Home » Post Item » …"Hinaing ni nene"…

…"Hinaing ni nene"…

March 2, 2009

 

 

 

 

HINAING NI NENE

 

Ganito pala ang umibig,

Lahat ng pait ay kabig,

Ngayon may ngiti,

Bukas ikay sawi,

 

Kay sarap damhin,

Ng init ng murang yakap,

Bawat pagdaing,

Parang nasa ulap,

 

Bawat sandali  sa piling ng minamahal,

Ligayang walang maliw,

Ngunit sa pagduwal,

Pait, sakit at pagkabuwal.

 

…….kung sana…..

Maibabalik ko lang,

Ang sandaling pinagsimula,

Pag-ibig na mura ay iwasan,

Wasak na pagkatao aking di maramdaman,

 

….Ngayon akoy ina…..

Hindi man handa,

Puno man ng luha,

Maglupasay man sa lupa,

Pagbangon na lamang ang magagawa,

 

Dapat  akong lumaban,

 Para sa anak kong kaligayahan,

Ng mga lalaki man ay iiwan,

Karga ko ang kaligayahan,

 

…..May Gabbyn man o wala…..

Patuloy parin ang buhay,

Kahit ang puso ay patay,

Alam kong mayrong gabay,

Si Tatay at Nanay,

 

Paano ang pag-ibig…..

Itoy makapaghintay,

Hanggang kaya ng tumulay,

Sa aral ng aking buhay,

Salamin ng bawat babae ay

NAKAHIMLAY“. 

 

 

 

 

 

Posted by mayflower at 12:46 pm | permalink

All comments are moderated. Your comments will not appear here unless approved by the blog owner. Thank you.

Add a comment